Tuesday, February 15, 2011

(^Moulin Rouge^) J.S Prom `11

Orayt! Here na naman me! Haha~ dapat bukas pa ako gagawa nito kasi wala pa ung picture na gusto kong i-show kaya lang.. naa-atat na ako eh! Kaya susulat nalang ako. Sisimulan ko from the top. Mula sa pagpe-prepare ko hanggang sa natapos ang party na ikinabwisit ng dalawang kilay ko!

Game.. yung damit ko nga pala ay purple, black and white. Sige na, may-access na kayong ma-confuse. Hehe. Ganyan din yung reaction ng mga pinsan ko eh. Tapos ang aking shoes ay 4 inches ang taas, kaya no wonder na ang tangkad ng feeling ko. Si Ate Jhen nga pala ang hairstylist ko. She put 65 hairpins on my hair, and 5 na goma. Take note: GOMA not SANRIO. Di lang iyon, naubos din ang hairspray ko. Siya na din ang nag-make up sa akin kasi baka magmukha akong lola kung si mama ang maglalagay. So far, gumanda ako. Hehe. Ako pa? Bawal sa akin ang panget!

At excatly 5:48 PM nasa school ground na ang lola niyo. Bale, nakita ko pa si Jigger (a.k.a SIKRETO sa unang blog ko!) looking so handsome that night kaya sa kabila ng pagtutol ng tatay ko na bumaba mula sa loyal naming owner-type jeep, ay bumaba na ako. I was about to call his name ng biglang kumontra ang guard. Pinapapasok na daw ang mga estudyante. Akala ko, alone akong papasok, di pala. Nandoon kasi sa may entrance sina Ynah, Jhy, Sarah at Marjorie. Doon palang ang saya-saya ko na. Hihihi!

Bale, pasok agad kami di ba? Sa may Mango Tree, ang dami kong nakitang gwapo. Hayy. Iba talaga nagagawa ng foundation at Tuxedo! Yung mga third year na ang panget panget, walastik! G-um-wapo lahat, aba! Siyempre, una kong hinanap ang mga lalaki sa buhay ko. First stop nga ay si Jigger. I saw him! Yummy ang itsure! Second was, Trigger. Third, ang ex-turned-friend-turned-war mate-turned friend kong si Brent. Lastly, si LJ Pati. Iyon na nga.

Nang pinapa-ayos na kami ni Sir Rommel, hinanap ko naman ang aking partner! Si Ruel T. Gullon Jr. Haha! Complete name talaga. Tapos nang `di ko siya mahanap, picture-picture muna sa mga ka-berks at classmates. Maya-maya lang dumating na si Ruel, looking so handsome in his navy blue suit and red polo. Taray! Natatawa ako kasi walang nag-match sa outfit namen. Samantalang yung iba, mukhang may nag-match kahit `di nag-research ang partner.
             Hayan.. Di ba ang kyuut namen? Yung editted na nilagay ko, madaming epal sa likod eh.

Medyo matagal pa ang itinayo namen sa Mango Tree. Lastek naman kasi ang mga ibang estudyante eh! Sabi ala-singko ang call time anong oras na dumating! (hehe! ako din pala) Kaya tuloy, kawawa yung ibang na-iba ng partner. Tsk. Tsk. Sa simula pa lang ng blog kong ito, nakaka-kilig na (for me) ang bungad ko kay Jigger. So, di lang ako. Kasi si Jurelle Joyce C. Rebong a.k.a Jhy na aking brother, ay mataray na rose ng dumating sa table namen! Bawawawaw! Haha. Sosyal. So Ynah and I therefore conclude that---! Maybe Jhy's partner liked her. Hihihi.. Kinikileg ako! :]
Aaarrr! Haha. Editted ulit. Ako ung naka-expose, nasa gitna si Ynah and lastly, my bro.. Jhy..

Nagsimula na ang presentation, while introducing us, kumakanta ng love song sina Sir John S.M. Vocal at si Sir Christian De Guzman. Grabe! Kaming tatlo, iisa ang reaction ng marinig kumanta si Sir John! Kinilabutan kame! Sabi pa namen parang `di si Sir John. Kaya, lucky me, dahil tumapat kay Sir John ang paglakad ko.. arrrriiibah!!

Students from third year and fourth year class looked handsome and breathtakingly beautiful. Kaya nga para sa aming mga fourth year ito mas masayang J.S compared to last year. Puyatan to the max kasi.

Chibugan na!! Ako ang nauna sa pila ng Doppler ng tawagin kami ni Sir Roni (our adviser) Aba! Gutom na kaya ako. Kaya nauna na ako sa pila. Kaya lang.. napa-gitna ako kasi may mga suminget!! Haha! Paano kasi, picture sila ng picture! Samantalang ako, walang picture! hehe.. But the food is.. okay. It was okay. Sana pala, nag-baon nalang ako. Tutal fiesta naman sa amin ng araw ng J.S.

Dance Presentation ng bawat klase sa fourth year at third year. Unang sumabak 3rd year - Chadwick. Ito nga pala ang section ng aking partner na si Ruel. Galing nila sumayaw kahit yung iba mukhang napilitan lang. Ang cute nilang lahat. Next is the third year - Goldstein. Dito nabibilang ang aking minamahal na si Jigger at gayun din si Trigger. Noong rehearsal nga pala ng Goldstein, tatlo lang ang tinitignan ko, si Trigger, si Jigger at ang kanyang sexy butt! Hehe! Sounds manyak right? Pero ang cute talaga eh! Buti nalang nakakapag-pigil akey.
Next ang third year Meyer and lastly, third year Wohler.

Sa fourth year naman.. Naunang sumabak ang Bohr with the tune of.. Wake Me Up Before You Go Go. Sumunod kami. Kaming fourth year Doppler dancing with the tune of.. Baby by Justin Beiber. Next ang Faraday with lifting. And last ang Mosely in the song Waka Waka.

Bago kami sumayaw, siyempre, change costume muna. Kailangan iyon. Dalawa lang ang ikina-bwiset namen, ang costume namen at ang dressing room! Grabe! Impeyrno! Ang init! After naming magpalit ng damit, lusaw na ang make up namen. Nakaka-asar! Anyway.. Eh di ayan, sumayaw kame. Masaya naman kasi natapos namen, though, may konting hassle. Ayos pa rin.
             Ayan oh.. Haha~ Nandoon ako sa dulo malapit sa may table na pink. Pang second batch ako.

Siyempre, mahabang kulitan ulit. Hay.. Tagal nito..Wanna go to the part when I cried and Jhy and Ynah asked me why.. Hahaha~

`Eto na.. Awardings na.. Di ako masyadong nag-pay attention sa mga sinasabi kasi mas magandang tignan yung suot na costume ng umaakyat sa stage kaysa pakinggan at tandaan ang mga nanalo at napanalunan nila.
Natatandaan ko noon, may isa akong classmate na lalaki.. sabi niya, "Di bale sir, sa J.S hahakot kami ng award." Yun. Natandaan ko iyon. Nagkatotoo nga. Some of our "boys" (hehe) got awards on this event. Siyempre, proud kami. Kasi, g-um-wapo talaga sila. Si Pamie Quijano ang Prom Queen at si Paolo Dacumos ang Prom King. Sosyal sila!

Nag-party party na! Medyo epal nga eh, paano nambibitin sila ng sayawan! Speaking of sayawan.. heto na.. Apat ang naisayaw ko. Brent is my first and last dance. Si LJ, (na ex ko din) ay aking second dance. Third si Xavier Salvatera (one of my friends). At si Gio Maningat. Hehe. Kakatuwa nga eh, lakas kasing mang-trip ni Gio. Kaya niyaya ko nalang sumayaw. Di ko pa kasi siya nakitang nakipag-sayaw eh, kaya ako na ang lumapit at nagyaya sa kanya. In fairness, na-miss ko ang damuho! Haha.

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^Commercial^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
After dinner yata or nung awardings, sinugod namin sina Trigger at Jigger. We call them Jigger and Trigger (ung nasa pocketbook na handsome twins) kasi parang sila ang real life n'on.. Eh di iyon na nga, sinugod namen. Nauna akong magpa-picture kasama si Jigger-baby! haha! Kinikilig ako! Ang gwapo niya, mabango! Lahat na! Kaya dalawang beses ako ng nagpa-picture with him. (Next time ko na ipo-post ung pics namen) Eto'ng masaya. Nung turn ko na kay Trigger, natatawa ako! Paano si Jhy, tema-arts.. haha! Kaya nauna na ako, isang picture lang nakuha ko.. huhu! Paano kasi.. nanulak iyong si Jhy! Parang aagawan! First time kong maitulak ni Jhy! Buti nalang nakuha ko ang balanse ko! Kundi di ko na lab si Jhy! Ganoon pala nagagawa pag type mo yung isang lalaki ano? Nanunulak!
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^Back to the Ball Game^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

Di ba, sayawan ikinu-kwento ko? Oo nga. Sayawan nga. Ang malungkot na ending ko ay.. Si Jigger, isinayaw niya ang lahat ng matipuhan niyang babae. At hindi ako kasama doon. Ang ikina-iyak ko nung gabing iyon is when I saw him, with the fourth year girl from Faraday. Tinamaan ako ng selos. Para kasing na-sense ko na may gusto si Jigger sa babaeng iyon. Aah! Peste! Naiiyak ako ulit! May basehan ang kutob ko. Noong school fair, matapos akong pasalamatan ni Jigger sa pag-boto sa kanya, yung lamesa malapit sa staircase, doon naka-upo ang girl na iyon. Di ko na sasabihin iyong pangalan, di ko naman kilala eh. Yun nga, yung mesa doon, nandoon siya.. tapos, I saw Jigger touching her hand. Alam mo iyon parang naga-approach ka. Basta! Tapos, Parang close na sila. Eto pang masakit. Sayawan na. Party Party! Kaso, I saw her walking towards Jigger together with her friends and their digi cam. Ang mga kaibigan ni Jigger naghiyawan. Lalo akong nasaktan ng makita kong isinukbit ng isang kaibigan ni Jigger ang kamay nito sa balikat ng babaeng iyon. Di ko nakayang tingnan yung nangyayare. I swear, I was hurting so bad. Kaya tumalikod nalang ako. Then I quietly cried on the table hanggang sa napansin nga ako nila Ynah. (Hayan! May sagot na!) 

The whole night, lumabas ang talent ko.. di ba Ynah? Haha! Never before scene ang drama ko! Ang totoo niyan, I love dancing. Ang dance lang ang ayaw sa akin. :] Doon ko nalang ibinuhos ang frustrations ko. Galit na galit ako! Sa sarili ko, actually. Hinayaan ko kasing ma-inlove ako sa kanya! Ito ang masamang dulot ng ilusyon. Kaya nga ayaw ko ng gumawa ng romance stories. Akala ko, pwede pa siyang bumawi. (si Jigger) Hindi na pala. Kasi, hanggang sa last 5 minutes ng party.. I was waiting for him to dance me on the dance floor. Kaya you could imagine me, looking so down. Mukha akong kawawa. Though minsan, parang nababasa ko sa mukha niya na gusto rin niya akong isayaw. May pumipigil lang siguro sa kanya. Hayy.. Ang sakit sa puso. Malayong-malayo ang eksenang ito sa panaginip ko. ENOUGH OF ILLUSIONS! Iyon ang drama ko.

Lesson Learned:
Never fall in love to a guy who is in love with somebody else.. Do not let your self be hurt by just loving him from a distance. 

Haha~ Hanggang dito nalang.. Next taym na ulet.. Hihihi! :]

Drumarama Drama,
Ayako Sayo! :]

No comments:

Post a Comment