Wednesday, January 26, 2011

Skul Fair.. 1

I think its.. January 13, 2011 when this School Fair was held...

Me, Jhy and Ynah were bored sitting around inside the canteen. But I think I was a good girl that day! Why? Because, indeed there was a miracle!

I have a long time crush.. (itago nalang natin siya sa pangalang... "SIKRETO") Si Sikreto ay isang napaka-gwapong nilalang na inihandog sa akin mula sa langit. Ang OA. Dahil kami ay bored, gumawa kami ng secret plan nila Jhy.. sabi ko, "Guys, ipa-handcuff niyo nga ako kay Sikreto! Geh na!!" Nag-make face pa ako para effective ang drama ko. Yung dalawa, kinagat naman! Haha..

Medyo matagal akong naghintay.. napag-alaman kong madami palang nakapila sa kanya. Ang mga hitad na may gusto din kay Sikreto! Waaa!!

Nang dumating na ang time na hinihintay ko.. Ayun na! Kunwari tulog ako.. Zzzhhh... Haha. Pero sina Jhy, ibinuking aketch! Haha. Tapos, tumayo na din ako. Kaya lang.. yung heartbeat ko.. dugdug. dugdug. Biglang bumilis aba! Na-loka ako. So, kunwari napipilitan ako para di obvious na planned iyon!

See? Ganyan ko siya ka-mahal. Haha.

Pero laking disappointment ang sumalubong sa akin ng madatnan ko sa Handcuff Booth na wala siya! WALA SIYA DOON! TUMAKAS! Waa! So, kaysa maghintay sa wala.. bagsak ang mga balikat kong bumalik sa canteen.. Hayy.. hirap talaga!

Siguro, after 30 minutes, bumalik yung manghuhuli. This time, ayaw ko na talaga. Kasi.. nahihiya ako sa sarili ko. Haha. May ganoon talaga.. Pero di din ako nagsisisi dahil pag punta ko sa booth walanja! Nandoon na siya! Astig.

Isinama ko si Jhy for back-up. In case lang naman ano? Haha. Baka itanan niya ako! (asuming!)

So, nang mawala si Jhy.. eto na ung eksena..

Si Sikreto, tumakas sa kulungan! May golly! Sabi ko pa "Kuya wag mo akong i-uuwi ah?" Di niya ata narinig kaya iyon, lumusot nalang siya sa tabi ng may puno. Eh may tali doon. Tali talaga! Nasakal ako! DI lang iyon, may malaki din akong pasa sa braso! Sa mga nagtatanong kung saan ko nakuha ang pasa na iyon.. sa kanya! Sisihin niyo siya! Haha.

Para sa akin, masaya ito. Kaya care niyo ba? meron pa. Umakyat kami doon sa itaas! sa may elementary building! Hinahanap ung bag niya. Kasehodang madapa ako! Wala siyang care! Grabeh! Eh matarik yung hagdan doon sa Elem. Building. Eh di kinaya ko nalang na wag malaglag. Kasi pag nahulog ako, damay siya. 

Nang makababa kami, medyo disppointed ako kasi naghahanap siya ng gunting! Gugupin niya yung tali! No! No! No!  Ang drama ng isip ko. Lumapit na kami kung kani-kanino.. wala pa ring gunting!  Thank God! Napagod siguro si Sikreto katatakbo kaya iyon, dinala niya ako sa mga friends niya. Grabeh! Nakakailang! Paano titigan ka ba naman! My golly! Hiya talaga ako. Anti-social pa naman ako. And this is the first bold stunt na ginawa ko!

So, dala ang lusaw na icecream, naupo kami. Kasi sabi niya kung gusto ko daw bang umupo muna. Eh di sige ako.. Bait pala niya. :] kaya pala like ko siya. 

Nang mapadaan sina Priny, Aldwin, Arvin at.. ung isa. nakalimutan ko kung sino siya! Ako na ang nag-ask kung may gunting ba sila. Sabi nila wala. Pero.. may nag-offer ng help. Pinilit niyang putulin ung tali. Pero matigas ang ulo ng tali. Kaya hayun, imbes na matanggal.. nasugatan pa ako. my poor hand! Tapos, nagsalita si Priny, sabi niya may gunting daw siya. Eh di fine! Ginupit na namen.. 

:[ nakasimangot ako habang palakad pabalik sa canteen.. I think kasama din dito si Athena. Kaya nung masalubong nila ako, they asked me what happen. I answered, "Nothing," then I shrugged.

Malungkot ng slight. Para sa akin.. Kaya ng maupo na naman kami sa canteen. I stayed silent. For awhile. Pero madalas na nakangiti ako. Haha. Abnormal daw ako.. ganoon talaga.. inlove ee!

Pero lam ko, di pa natatapos doon ang lahat! Kasi ba naman! Masaya na akong nakikipag-chikahan sa mga friends ko ng lumapit si Sikreto sa table namin.. then he said, 

"Uy, Yvonne, sorry ha?" sabi niya while scratching his head. Deym! He really looked cute! I wanna kiss him that time nga kung di lang siya pawisan. Naligalig ang mga laman ko! Haha.

Tapos, ang nasabi ko lang.. "Ha? Oo, ayos lang iyon!" Itinaas ko pa ang kamay ko! My Gosh! Waaaa!! Nakakahiya talaga ako!

When he left.. natahimik kami sa table.. tapos, Jhy, Ynah, Athena commented something.. di ko na matandaan un pero, nice ang sinabi nila tungkol kay Sikreto. Si Ynah, sabi niya.. ang gentleman naman daw niya. Siyempre ako, proud. Crush ko iyon ee! Naman! Pag crush ko, tatak sa puso ko iyon!


So, iyon lang. Next blog ulit. :]]

Nange-epal.. sunlight17